MODULE 2 Flashcards
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
Pormal
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa
Obhetibo
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinalillwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
May Paninindigan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
May Pananagutan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang
patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
May Kalinawan
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
- Pormal
- Obhetibo
- May Paninindigan
- May Pananagutan
- May Kalinawan