Module 3 Flashcards
TAMA o MALI: Ang lipunan ay nabubuo sa
pamamagitan ng mga taong
naninirahan sa isang pook o lokalidad at
ang bawat isa ay may kanya-kanyang
papel na ginagampanan.
TAMA
Sino ang naglahad ng 7 tungkulin ng wika
Michael Alexander Kirkwood
Halliday
Gamit ng wika upang matugunan ang
mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-usap sa iba
lalo na kung may mga
katanungan na kailangang
sagutin; pagpapakita ng
patalastas tungkol sa isang
produkto na nagsasaad ng
gamit at halaga ng produkto;
paggamit ng liham sa
pangangalakal at iba pa.
Instrumental
Tumutukoy sa pagkontrol ng ugali
o asal ng ibang tao. Saklaw ng gamit
na ito ang pagbibigay ng direksyon
gaya ng pagtuturo kung saan
matatagpuan ang isang partikular
na lugar; direksyon sa pag-inom ng
gamot at iba pa.
Regulatoryo
Makikita sa paraan ng
pakikipagtalakayan ng tao sa
kanyang kapwa;
pakikipagbiruan;
pakikipagtao; tungkol sa
partikular na isyu;
pagsasalaysay ng malungkot
o masayang pangyayari;
paggawa ng liham
pangkaibigan at iba pa.
Interaksyunal
Nakapagpapahayag ng sariling pala-palagay o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng
talaarawan o dyornal. Dito rin naipahahayag ang
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
Personal
Ang gamit na ito ay tumutukoy sa
pagkuha o paghahanap ng
impormasyon na may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan. Kabilang dito
ang pag-iinterbyu sa mga taong
makasasagot sa mga tanong na
kailangan sa paksang pinag-aaralan;
pakikinig sa radyo; panonood sa
telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan
at mga aklat.
Heuristiko
Ito ay may kinalaman sa
pagbibigay ng mga
impormasyon sa paraang
pasalita at pasulat. Kabilang
dito ang ulat, pamanahong
papel, tesis, disertasyon,
panayam, at pagtuturo sa klase.
Impormatibo
Tumutukoy ito sa malikhaing
guniguni ng isang tao sa paraang
pasalita o pasulat. Karaniwang
mababasa ang imahinasyong
nilikha ng isang tao sa mga
akdang pampanitikan gaya ng
tula, maikling kwento, dula,
nobela, at sanaysay.
Imahinatibo
Anim na paraan ng paggamit ng wika batay kay_________
Roman Jakobson
Pagpapahayag ng damdamin, saloobin
at emosyon.
Pagpapahayag ng damdamin (emotive)
Upang makahimok at
makaimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-
uutos at pakiusap.
Panghihikayat (conative)
- Upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula
ng usapan.
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)
Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula
sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng mensahe at
impormasyon.
Paggamit bilang sanggunian (referential)
Gamit ng wika sa paraan ng pagpapahayag ng
mga komentaryo sa isang paksa katulad
ng batas.
Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)