Module 1 Flashcards
Ito ay mula sa salitang Latin na ______ na
nangangahulugang ______
lingua, dila
Ito ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang simbolo at tuntunin. Ito ay nakabubuo ng mga salitang nakapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan o kaisipan. Ito ay parang sasakyan na ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa.
Wika
Ayon kay _______, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura
Henry Gleason, 1988
Ayon kay _______, and wika ay sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon
Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005
Nagsisilbing impukan-hanguan at daluyan ng
kultura ang kultura ayon kay ___________
Salazar, 1996
Ang wika ay midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ngbuhay panlipunan ayon kay ________
Romeo Dizon
Pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan;
sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang
mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan ayon kay ______
Constantino, 1996
5 na katangian ng wika
Masistemang balangkas, Sinasalitang tunog, Arbitraryo, Pinipili at isinasaayos, Buhay
Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang pagkakasunod-sunod ay makalilikha ng mga salita (morpema), na bumabagay sa iba pang mga salita (semantika), upang makabuo ng mga pangungusap.
Masistemang balangkas
Ang pangungusap ay may ______ na nagiging basehan sa pagpapakahulugan
sa paggamit ng wika.
istruktura (sintaks)
Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Sinasalitang tunog
Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag
nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Arbitraryo
Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang
natatangi sa bawat wika.
Pinipili at isinasaayos
Buhay ang wika at patuloy na nagbabago, nadaragdagan at nalilinang.
Buhay
5 katangian ng sariling wika
Katagang nanganganak ng salita (word metamorphism)
Kung ano’ng bigkas, siyang baybay (phonetic simplicity)
Tunog Kalikasan (onomatopoeia)
Mahigpit na Kasaklawan at Pagkamaugnayin (neologistic
cohesion)
Kataga at salitang inuulit