MODULE 2 & 3 Flashcards
-ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan
-naiiba ang punto o tono
DAYALEK
-kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat tao
-lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi sa taong nagsasalita
IDYOLEK
-ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika
SOSYOLEK
- sosyolek bilang palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan.
Sosyolek ni Rubrico (2009)
Halimbawa ng mga salitang binabago ang tunog o kahulugan.
gay lingo
-Ang coño speak naman ay isang uri ng sosyolek na kung saan matatagpuan ang malawakang code-switching sa pagitan ng Tagalog at Ingles. I
Coñoc (Coñoctic o Conyospeak)
mga uri ng sosyokej
- gay lingo
- conyo speak
- jejemon
-jargon
-ay ang mga barayti ng wikang naiaangkop ng isang nag sasalita, ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap
Register
-ang ginagamit sa tuwing tayo ay kumakausap ng mga taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala
Pormal
-Ang di-pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, mga kasing-edad, at ‘yung matatagal nang kakilala.
Di-Pormal
-ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa ingles na “nobody’s native language
-bunga ng pag-uusap ng dalawang taong parehong may magkaibang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkaroon sila ng makeshift language
Pidgin
-ay ganap na nakabuo ng bokabolaryo at patterned grammar
Creole
-Ang paggawa ng liham pangangalakal at liham ng patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkulin na ito
INSTRUMENTAL
-ito ang tungkulin ng wika na tumutukoy sa pagkontrol ng ugali ng ibang tao.
REGULATORYO
-ito ay nakikita sa paraang pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu
INTERAKSIYONAL