BINIBINI Flashcards
-nagkaroon ng pagtatalo ang mga maka-Ingles at maka-Filipino sa dapat na maging wikang pambansa.
KUMBENSYONG KONSTITUSYUNAL NG 1934
nagkaroon ng pagtatalo ang mga maka-Ingles at maka-Filipino sa dapat na maging wikang pambansa. Ipinaglaban ito ni ________, ang Ama ng Barirala.
lope k santos
-Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
SALIGANG BATAS NG 1987
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Artikulo XIV, Seksyon 6:
-“nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.”
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 serye ng 1988
-ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue
UNANG WIKA
-iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa L2
IKALAWANG WIKA
-ang isa pang wika na natutunan ng isang tao sa paglawak at paglaki ng kanyang mundo at sa pakikipagtalastasan nya sa ibang tao habang siya ay lumalaki, ang simbolong L3
IKATLONG WIKA
- Pag-gamit ng iisang wika sa lahat ng larangan
MONOLINGGUWALISMO
- Kakayahan ng isang tao na magsalita ng una at ikalawang wika ng may kasanayan
BILINGGUWALISMO
ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang (2) wika na tila ba ang mga ito ay kanyang katutubong wika
Bloomfield (1935):
na nagsasabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa (1) sa apat (4) na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika
Macnamara (1967):
na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay billingguwal
Weinreich (1953):
-dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika
BALANCED BILINGUAL
- Samantala ang salitang “lenggawahe” ay nangangahulugang “maraming salita o wika
MULTILINGGUWALISMO