Module 11 Konsepto ng dula Flashcards
ang tauhang sumasalungat at humahadlang sa protagonista upang matupad niya ang kanyang tungkulin o layunin
Antagonista
ang protagonistang nakakuha n gating pagmamahal o paghanga
Bayani (Hero/Heroine)
tauhang may iba’t ibang uri ng personalidad at tila ba may buhay sa labas pa ng salaysay
Bilog na tauhan
ang pagpili ng mga gaganap sa dula
Casting
ang pagtatapos ng isang trahedya. Galing ito sa wikang Griyego na nangangahulugang “pababang kilos.”
Catastrophe (sakuna)
sa matandang dula, ito ay ang pagbaba ng isang diyos sa tanghalan upang iligtas ang protagonista sa kapahamakan. Kaya nga ito rin ang tawag sa anumang pangyayari na di-sinasadya o di-inaasahan na nagpapabago ng wakas ng isang dula
Deus ex Machine
ang paglalarawan ng pag-uugali at pagkilos ng tauhan na hindi taglay ng mga dayalogo. Madalas ito nakasulat ng pahilig o nakapaloob sa panaklong
Direksyon ng director
ito ay kadalasang bunga ng pagkakaiba sa pagitan ng sinasabi at ginagawa
Dramatic irony
komedyang nakatuon sa matalinong pag-iisip batay na rin sa pagiging malikhain ng banghal at kahusayan sa pananalita
High comedy
sa mga klasikong dula, ang pagsisimula sa kalagitnaan ng salaysay
in medias res
mga tauhang ang katangian ay eksaherado at karaniwan na kumakatawan sa isang tipo o uri ng kalikasan ng tao
karakter na istak
(mula sa Griyego- paglilinis) ang kaginhawaang naramdaman matapos masaksihan ang isang masaklap na pangyayari sa dulang trahedya
Katarisis
sa dulang Griyego, ito ay isang pangkat ng mga tauhan na kumakanta o sumasayaw nang sabay-sabay. Sila rin ang nagbibigay ng komento sa aksyon ng mga pangunahing tauhan
Koro
komedya na nakatuon sa pinakamababang sense of humor tulad ng pagtatawa sa mayroong pisikal na karamdaman o dignidad
Low comedy
anumang pagkilos ng tauhan sa tanghalan na makapupukaw at makakukuha ng atensyon ng mga manonood
Madulang aksyon