Module 11 Flashcards
Ito ay may tawag na hango sa salitang Griyego na “Drama” na nangangahulugang “gawin” o “ikilos.”
Dula
sinusuri ang aspeto ng istorya, mahalaga ang iskrip. Sinusulat ang iskrip ng dula upang malaman ang mga sumusunod: banghay ng kwento, mga tauhan, kakaibang ideya o kaisipang mapapaloob dito, at tagpuan o kapaligiran
Bilang materyal
mga bagay labas sa dula ang sinusuri nito tulad ng mga sumusunod: direksyon, pagganap ng mga tauhan, pag-iilaw sa tanghalan, paglalapat ng mga tunog at aspektong teknikal
Bilang teatro
Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isasaalang-alang sa dula ay nararapat na naaayon sa isang BLANK. Walang dula kapag walang BLANK
Iskrip o Nakasulat na Dula
Ang mga BLANK o BLANK ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigkas ng dayalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula
Gumaganap o actor
Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na BLANK. BLANK din ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula o silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Tanghalan
Ang BLANK ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng BLANK sa iskrip
Director
Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao. Hindi ito maituturing na dula sapagkat layunin ng dula’y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o BLANK
Manonood
Ito ang sumasaklaw sa panahon at lugar/pook na pinangyarihan ng aksyon. Kadalasang inilalalarawan ito ng manunulat upang makatulong sa produksyon. Ang kaligiran ay mahalaga upang makita ng mambabasa ang pinagganapan ng kuwento
Tagpuan
Sila ang gumaganap at sa buhay nila umiinog ang mga pangyayari sa kuwento. Sila ang nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng kanilang mga dayalogo
Tauhan
mga tauhan ng drama na binubuo ng protagonista at antagonsita
Dramatis Personae
ang protagonist sa dulang trahedya
Bayani ng Trahedya
sa kanya ibinubunyag ng pangunahing tauhan ang kanyang pinakapribadong pag-iisip at damdamin
Confidant o Confidante
isang maliit na karakter na may akda o taliwas na personalidad na ang layunin ng manunulat at mabigyang-tuon ang pagkakaiba nito sa ibang tauhan
Foil
Ito ay maaaring bungang isip lamang o hango sa totoong karanasan. Sa kasalukuyan, maaaring pagbatayan ang isang maikling katha o kaya ay nobela
Kwento ng dula