MODULE 1 Flashcards
ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag- aaral.
Pagsusulat
Limang makrong kasanayan
Pakikinig, Pagbabasa, Panonood, Pagsasalita, at Pagsusulat
nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nai ssumulat.
Wika
nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
Paksa
nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isang sulatin.
Layunin
kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Impormatibo
kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sakanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Ekspresibo
kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa mga magkakaugnay at tiyak na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa mga ito.
Naratibo
kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.-
Deskriptibo
kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas, ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Argumentatibo
- dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang susulatin.
Kasanayang Pampag-iisip
wastong paggamit ng malaki at maliit na titik
▪ wastong pagbabaybay
▪ paggamit ng bantas
▪ pagbuo ng makabuluhang pangungusap
▪ pagbuo ng talata
▪ masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
- kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining
na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Akademikong Pagsulat –
isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
Teknikal na Pagsulat –