LESSON 3 Flashcards
isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
memo o memorandum
tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
agenda o adyenda
Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon: (Agenda)
a. mga paksang tatalakayin
b. mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
c. oras na itinakda para sa bawat paksa
- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
heading
Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
mga kalahok o dumalo
Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong Isinagawa sa mga ito.
Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-
Dito makikita ang mahahalagang talä hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
Action items o usaping napagkasunduan (kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong)-
-Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito
Pabalita o patalastas
- Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
Iskedyul ng susunod na pulong
- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
Pagtatapos
- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
Lagda
- Sa ganitong uri ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mgataong nagsalita o tumalakay ng paksa kasama ang pangalan ng mgataong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
Ulat ng Katitikan
- Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri ng katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.
Salaysay ng Katitikan
- Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito. Kadalasang mababasa ang mga katagang “Napagkasunduanna… o “Napagtibay na…”
Resolusyon ng Katitikan