MIDTERMS Flashcards
Ito ay ang pangalan para sa espiritu na maaaring kabilang na sa namatay na mga ninuno at mga nature-spirits.
Anito
Naglalagay sila ng istatwa o rebulto upang humingi ng gabay o proteksyon
Anito
Nanggaling sa salitang espanyol na “MUERTO” na ang ibig sabihin ay “PATAY”
Multo
Ito ay ang kaluluwa ng isang namatay na tao na bumalik sa mortal na mundo
Multo
Paano nga ba nagpapahiwatig ang mga multo?
Kakaibang amoy (karaniwan kandila at bulaklak ) Malamig na hangin Boses o bulong Paggalaw ng mga bagay Sanib Imahe sa mga litrato
Mga taong may kakayahang makipag usap sa mga kaluluwa sa kabilang buhay.
Ispiritista
Naniniwala sila na kaya nilang tumawid sa mundo ng mga patay.
Ispiritista
Ito ay isang paniniwala na ang espiritu ng patay ay may kakayahan makipag-ugnayan sa mga tao.
Ispiritwalismo
Ginagamit sa larong “spirit of the glass”
Ouija board
Ginagamit bilang sakripisiyo sa iba’t ibang mga diyos o nagsisilbing isang aid sa panalangin
Insenso
Nagbibigay liwanag o gabay sa mga ligaw Na kaluluwa.
Kandila
aka ESP that includes the reception of information not gained through the recognized physical senses but sensed by the mind.
Extrasensory perception
It is the ability to see or be aware of events happening at a great distance without the use of any of man’s physical senses.
Clairvoyance
Ito ay kilala rin bilang anting-anting o bertud, ang pamosong katawagan para sa mutya o amuleto sa Pilipinas.
Agimat
Ispiritu Santo, Santisima Trinidad, Sagrada Familia, Virgen Madre, ang Mata, at iba pa.
Mga uri ng Agimat
Anong agimat ang ginamit ni Emilip Aguinaldo noong Rebolusyon ng 1896?
Santisima Trinidad
Ano ang agimat ni Andres Bonifacio?
Santiago de Galicia (Birhen del Pilar)
Anong agimat ang gamit ni Antonio Luna?
Virgen Madre
Siya’y pinaniniwalaang may anting-anting dahil sa ilang ulit niyang natakasan ang mga bala ng baril mula sa mga Guardia Sibil.
Tatang
Ang grupo na nagmartsa noong 1967 upang ipakita ang pagtutol sa rehimeng Marcos ay walang-takot na hinarap ang military dala ang kanilang mga bolo at anting-anting.
Lapiang Malaya
Ano ang pinakakaraniwang anyo ng agimat?
amuleto na nakaukit sa bato, metal o kahoy, na karaniwang isinusuot sa leeg.
Ito ay maaari ring isang dasal o orasyon, na mula sa wikang Latin. Nakasulat ito sa isang piraso ng papel, itinutupi at inilalagay sa pitaka, o kaya’y tinatahi sa tela at isinasabit sa bahagi ng katawan na hindi makikita ng ibang tao.
Agimat
Ito ay puwede ring isang maliit na bato, ngipin ng buwaya o piraso ng tuyong prutas na inilalagay sa loob ng maliit na tela.
Agimat
Iba’t ibang uri ng Agimat
- Libreto
- insignias
- talisman
- amuleto
- scapular
- mutya
Mga gamit ng Agimat:
Bukod sa lakas at proteksyon, ginagamit din ang agimat o anting-anting bilang:
- panlaban sa kulam o engkanto
- gayuma
- pampa-suwerte sa negosyo
- proteksyon sa mga pisikal na panganib
- proteksyon sa masasamang ispiritu
ay isang talisman na pinaniniwalaang naglalaman ng kakaibang kapangyarihan.
Anting-anting
Karaniwan na sa paniniwala ng mga katutubo na ito ay nagbibigay ng proteksyon sa nagmamay-ari dito o kaya naman, ito ay nagsisilbing gabay ng may-ari laban sa mga panganib, karamdaman at pati kamatayan.
Anting-anting
Anting-anting sa Ilokano
ginam-mol o galing-galing
Mga anting-anting sa iba’t ibang dayalekto
Ilokano: ginam-mol o galing-galing Tagalog: mutya Waray: likit Bikolano: odom Muslim: adimat
Ano ang pinakamadaling paraang upang makakuha ng anting-anting?
Kapag binigay ito ng dating nagmamay-ari
Mga paraan para makakuha ng anting-anting
- kailangang matalo ang isang higanteng espiritu sa paraan ng pakikipaglaban na tanging kamay lamang ang ginagamit.
- sa pamamagitan ng paglulon ng kristal na patak mula sa puso ng saging, sa kalagitnaan ng gabi.
Ano ang mangyayari kapag ninakaw o sapilitang kinuha ang anting-anting?
Mawawala ang bisa nito
Ang pinakapangkaraniwang uri ng anting-anting
metal na palawit sa kuwintas o tattoo o piraso ng papel na may orasyon, samantalang ang ilan ay hindi nangangailangan ng anumang simbolo.
isang talisman na nakukuha mula sa mga makapangyarihang bagay mula sa kalikasan.
hiyas
anting-anting na buhat sa mga halaman kagaya ng mga puno ng saging at niyog. Bukod dito, may iba’t ibang anyo din ito.
Mutya
Maaring ngipin ng buwaya o ahas, kakaibang bato, sungay ng guinea na ibon, kakaibang ugat, gulugod ng balyena, palikpik ng pating at kung anu-anu pang mga bagay na kakaiba ang itsura at may kakaibang pinag-mulan.
Anting-anting
iba’t ibang kapangyarihan ng anting-anting
- pampaswerte para sa mga nagsusugal at mangangalakal
- gayuma para sa pag-ibig.
- proteksyon sa anumang masasamang elemento, sa sinumang kaaway o kaya ay sa karamdaman
- maprotektahan nito ang may hawak mula sa bala, o kaya maglaho na lang bigla kung kailan naisin
pinagmulan ng anting-anting
ito rin ay pinagmumulan ng kakaibang kakayahan kagaya ng panghihilot, panghuhula o pangungulam.
Agimat ni Lapu-Lapu
Santisima Trinidad
Agimat ni Andres Bonifacio
Santiago De Galicia