Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika Flashcards
Ayon sa Bibliya, ang mga tao noong unang panahon ay mayroon lamang isang wika. Ngunit dahil sa kanilang ambisyon na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, ang mga tao ay nagkaisa at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Dahil doon, ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa at naghiwa-hiwalay ang mga tao ayon sa wikang kanilang sinasalita.
Tore ng Babel
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan
Teoryang Bow-wow
Teoryang Bow-wow example
bow-wow = aso
ngiyaw = pusa
kwak-kwak = pato
- nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kung hindi maging sa mga bagay na lilkha ng tao
- kahawig ng teoryang bow-wow
Teoryang Ding-dong
Teoryang Ding-dong example
boom = tunog ng pagsabog
splash = paghampas ng tubig sa isang bagay
whoosh = pag-ihip ng hangin
Unang natutong magsalita ang tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang pooh-pooh
Teoryang pooh-pooh example
ai-ai = tawag sa patalim ng Basque
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa pagsasama-sama ng mga tao lalo na kapag sila ay nagtatrabaho. Pinaniniwalaan ni A.S. Diamond, isang linggwista, na ang tao ay natutong magsalita dahil umano sa kanyang pwersang pisikal.
Teoryang Yo-he-ho
Teoryang Yo-he-ho example
- tunog na ginagawa kapag nagbubuhat ng mabigat
- tunog tuwing sumusuntok
Ang teoryang ito, na kahawig ng teoryang “Ta-ta,” ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa mga bagay na nangangailangan ng aksyon sa pamamagitan ng mga kumpas ng katawan. Ang mga kumpas na ito, ayon sa teorya, ay sinasabing nakatulong sa pagbuo ng mga tunog na ginawa sa pamamagitan ng paggalaw ng bibig at posisyon ng dila, na kalaunan ay naging batayan ng wika
Teoryang Yum-yum
Ayon sa teoryang ito, mayroong koneksyon ang galaw ng kamay sa paggalaw ng dila. Ang koneksyon na ito ang dahilan kung paano raw natuto ang mga tao na magsalita.
Teoryang Ta-ta
Teoryang Ta-ta example
Ta-ta = paalam sa Wikan Pranses
Ayon kay Jesperson, isang linggwista, ang wika ay nagmula raw sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw, at iba pang mga bulalas-emosyonal. Ayon sa kanya, ang mga unang salita raw ay mahahaba at musikal, di kagaya sa pinaniniwalaan ng marami na maiikling bulalas.
Teoryang Sing-song
Ayon kay Revesz, isang linggwista, ang wika ay nagmula raw sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan at pagkakabilang (Ako at Tayo).
Teoryang Hey you!
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagsimula sa mga tunog na nililikha ng mga sanggol. Ang tunog na ito ay ginagaya raw ng mga matatanda upang mabigyan ng pangalan ang mga bagay sa paligid. Taliwas ito sa paniniwala na ang mga bata ay sumusunod sa tunog mula sa mga matatanda.
Teoryang Coo coo