Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika Flashcards
5 Teorya sa Pagkatuto ng Wika
- Teoryang Innative
- Teoryang Kognitib
- Teoryang Behaviorism
- Teoryang Makatao
- Teoryang Interaktibo
- Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng tao ay may natural o likas na kakayahang matuto ng wika dahil sa isang lilkhang-isip na aparato na kung tawagin ay “black box” na responsable sa pagkatuto ng wika. Ang aparato na ito ay pinaniniwalaang naroroon sa lahat ng ipinapanganak.
- Ayon kay Naom Chomsky, ang lahat ng bata ay may taglay na kakayahang matutunan ang kahit anong wika ng tao.
Teoryang Innative
Sino ang proponent ng Teoryang Innatism
Naom Chomsky
- Siya ay nagsagawa ng isang eksperimento upang malaman ang pinagmulan ng wika.
- Ipinagkatiwala ng Hari ang dalawang sanggol sa isang pastol at ipinag-utos na ilagay ang dalawang sanggol sa isang kweba upang doon palakihin.
- Ipinag-utos din nya na wala silang maaaring marinig na anumang salita. Maging ang nasabing pastol ay pinagbawalang bumigkas at sa halip ay ginawa lamang siyang tagapaghatid ng lahat ng mga pangangailangan ng dalawang sanggol tulad ng pagkain.
- Lumipas ang dalawang taon at narinig ng nasabing pastol ang salitang “becos” na nangangahulugang tinapay mula sa dalawang sanggol. Ibinahagi ng pastol sa Hari ang kanyang natuklasan. Dahil doon, nabatid ni Hari na natural lamang na natututuhan ng tao ang wika
Teorya batay kay Haring Psammetichus
uri ng tinapay
becos
- Natutunan ang wika sa pamamagitan ng kakayahan sa pag-iisip. Sinasaad din ng teoryang ito na mas madaling matutunan ng isang bata ang pagsasalita kung nauunawaan nito ang mga konseptong nakalatad sa kanyang kapaligiran.
- Ayon sa teoryang ito, ang pagkatuto ng wika ay isang dinamikong proseso kung saan ang nag-aaral ng wika ay nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang nakuha o natutunan nitong mga impormasyon, upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang ginagawa ang proseso nito ay natural lamang na mayroong mga pagkakamali. Kaya ayon sa mga kognitibist, ang pagkakaroon ng kamalian ay isang senyales at palatandaan ng pagkatuto at ekseprimentasyon, at hindi ito kailangan ng kagyat na pagwawasto.
Teoryang Kognitib
Proponent ng Teoryang Kognitib
Jean Piaget
isinasaad ng teoryang ito na ang kilos at gawi ng tao ay napag-aaralan sa pamamagitan ng pagkontrol sa kapaligiran. Ito ay maaring mabuo sa pamamagitan ng conditioning, reinforcement at punishment.
Teoryang Behaviorism
Proponent ng Teoryang Behaviorism
Burrhus Frederic Skinner
(B. F. Skinner)
Ayon sa teoryang ito na mapapabilis ang pagkatuto ng wika ng isang tao kung may positibong saluobin ang isang tao na matutunan ito.
Teoryang Makatao
Proponent ng Teoryang Makatao
Abraham Maslow
- Mayroong interaksyon upang matuto ang tao sa wika
- Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998). Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto. Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw
Teoryang Interaktibo
Proponent ng Teoryang Interaktibo
Jerome Bruner