Mga Sangkap Ng Maikling Kwento Flashcards
Sa iyong pagbabasa ng isang kwento, unti-unti mong mararamdaman na pumapasok ka sa isang di-pangkaraniwang pook kaya kailangan ang paghahanda—alamin mo kung nasaan ka, anong oras na.
Tagpuan
Ito’y mga taong nilikha ng may-akda na akala mo ay buhay—nagsasalita, nag-iisip, tumatawa, o di kaya’y nanananghoy.
Tauhan
Tumutulong ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha.
Paningin
Sa paraang ito ng pagsasalaysay, sasanib ang may-akda sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa unang panauhan.
Paningin sa unang panauhan
Sa paraang ito, gumagamit ang may-akda ng pangatlong panauhan na siyang malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento.
Paningin sa pangatlong panauhan.
Sa paraang ito, ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing isang kamera na malayang nakalilibot subalit naitala lamang nito ang tuwirang nakikita at naririnig.
Obhetibong paningin
Ito ay yaong kaisipang iniikutan ng katha.
Paksang-diwa o tema
Ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga pangngalang maylapi ay tinatawag na…
Panlaping makangalan