2nd Periodical Exam Study Notes Flashcards
Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t parirala.
Pagtutulad (Simile)
Ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Tayutay
Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawin ng isang bagay na inihahambing.
Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon.
Pagtatao (Personification)
Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa imahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Ito ay ang pagbabanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.
Pagpapalit-saklaw (Synecdochè)
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Panghihimig o Onomatopeya
Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.q
Panawagan (Apostrophe)
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Pang-uyam (Sarcasm)
Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Paglilipat-wika o Transferred Epithet
Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.
Pagpapalit-tawag (Metonymy)