Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya Flashcards
1
Q
- Ito ay ang kakulangan sa kaalaman ng tao ukol sa kanyang moral na tungkulin.
A
Kamangmangan
2
Q
- Ito ay nagtutulak sa mabuting gawain at pag-iwas sa masama, ngunit maaaring magdulot ng lungkot, pagkabalisa, o pagkasabik, na maaaring makaapekto sa pagpapasiya.
A
Masidhing Damdamin
3
Q
- Ito ang pagkabagabag ng kaisipan ng tao na humarap sa isang nagbabantang panganib o pinsala sa sarili o sa kanyang minamahal sa buhay. Kadalasan itong tumutukoy sa labis na pagkabalisa dala ng iniisip na masamang kahihinatnan ng mga bagay-bagay.
A
Pangamba
4
Q
- Ito ay pisikal na pwersa na ginagamit ng isang tao upang pilitin o pagbabantaan ang ibang tao na kumilos laban sa kanyang kalooban.
A
Dahas
5
Q
- Ito ay ang mga nakagisnang kilos, tradisyon, o pamamaraan. Subalit, hindi lahat ng ito ay naaayon sa panahon at sa mabuting kilos o pasiya.
A
Kinagawian