MGA ELEMENTO NG PAGGAWA NANG MAY KUSA Flashcards
Higit pa sa “ibang tao”.
KAPWA
Karugtong ito ng kultura ng pakikipagkapwa, pagmamalasakit at pagtrato bilang kapantay at kaisa.
KAPWA
Ito ay tumutukoy sa kondisyon ng pagiging bahagi ng isang ugnayan at pagkakaroon ng pantay na pagtingin bilang miyembro ng isang samahan o lipunan.
KAPWA
Dito nagsisimula ang pag-usbong ng antas ng pagpapahalaga sa pakikisalamuha, pakikitungo, at pakikisama na nagbubunga ng mga makataong kilos ng pakikiramay, pakikisangkot, at pakikiisa.
KAPWA
“Sino ang aking kapwa? Sila ang mga taong nangangailangan ng aking tulong at pagkalinga”.
Virgelio Enriquez
mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal
Damdamin
katangian o kalagayan ng pagiging mahusay, mahalaga, karapat-dapat, o kagalang-galang.
Dangal
Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng tao sa dignidad at karangalan ng kaniyang pagkatao, umuusbong sa kaniyang kilos-loob ang pagkakaroon ng paninindigan at pananagutan sa sarili niyang kilos at maging sa paggawa ng kabutihan sa kaniyang kapwa.
Dangal