Mga Katangian Ng Pananaliksik at Mananaliksik Flashcards
ay ang pagkakaroon ng parehas na resulta/kinalabasan sa mga pagkakataon na ang isang pananaliksik ay inuulit, gamit ang parehong metodo/pamamaraan, instrumentasyon para sa parehas na populasyon
Relayabiliti
Panatilihin at pag-ibayuhin ang propesyonal na kagalingan sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral.
Kagalingan
Huwag magsagawa ng pananaliksik na magbubunga ng diskriminasyon sa kapwa.
Huwag magdidiskrimina
Maging bukas sa pagbabahagi ng mga dato, resulta, ideya, kagamitan at pinagkukunan.
Openness
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, responsibilidad ang makapagbigay ng kamalayang pansosyal na kagalingan
Sosyal na Gampanin
Sa pananaliksik kung saan tao ang pangunahing respondente, mahalaga na mapanatili ang dignidad at dangal bilang tao.
Bigyang-Proteksyon ang Pagkatao
May mga nauna na gumawa ng gawaing pananaliksik.
Makatwiran lamang na bigyang-respeto ang mga taong unang nakaisip ng ideya, disenyo, pamamaraan
o metodo ng pananaliksik na ginagamit.
Igalang ang Intelektuwal na Kakanyahan
Ang gawaing pananliksik ay usapin ng pagtitiwala. Laging proteksyunan ang mga pinagkukunan ng datos (resources), mga liham pangkomunikasyong ginamit, mga tala (records) na nakuha mula sa iba’t ibang institusyon at lalo’t higit ang impormasyong mga respondente.
Kompidensiyalidad
Etika ng Mananaliksik
Katapatan
Obhektibo
May Integridad
Pagiging Maingat
Openness
Igalang ang Intelektuwal na Kakanyahan
Kompidensiyalidad
Sosyal na Gampanin
Huwag magdidiskrimina
Kagalingan
Bigyang-Proteksyon ang Pagkatao
Igalang ang sariling salita. Kumilos nang may katapatan at panatilihin ang matuwid na pag-iisp at pagkilos.
May Integridad
ang isang pananaliksik na gumamit ng pinakamabuting hanguan ng impormasyon at gumagamit ng pinakamabisang pamamaraang pampananaliksik.
May Kredibilidad
Panatilihin ang katapatan sa lahat ng ugnayang pampananaliksik. Maging matapat sa pag-uulat ng mga datos at kinalabasan ng pananaliksik, metodo at pamamaraang pampananaliksik, at maging sa paglathala.
Katapatan
Ito ang kalakasan ng resulta ng pananaliksik, ng asamsyon o proposisyon para masabi kung ito ay tama o mali
Baliditi
Tumutukoy ito sa antas ng pagkakaugnay-ugnay ng pamamaraang pampananaliksik, mga kagamitan at instrumentasyon.
Akyurasi
Ito ang katangian ng pananaliksik na kung saan ang kinalabasan ng pananaliksik ay maaaring gamitin sa mas malaking bilang ng populasyon.
Panlahat