MGA KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO Flashcards
kakayahang komunikatibo ito na nakatuon sa kahusayang magamit nang wasto ang wika batay sat untuning structural at kaayusan ng ponema
KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
kakayahang komunikatibo itong may angkop na pamamaraan ng paggamit ng wika batay sa kultura at konteksto
KAKAYAHANG SOSYO-LINGGWISTIKO
kakayahang komunikatibo itong maunawaan ang iba’t ibang kontekstong panlipunan at makabuo ng tamang interpretasyon o pagpapakahulugan nito
KAKAYAHANG PRAGMATIKO
kakayahang komunikatibo ito kung saan naipamamalas ang paglahok sa talakayan o komunikasyon sa anyo ng pagpapalalim at pagpapalawak ng mga ideya
KAKAYAHANG DISKORSAL
kakayahang komunikatibo ito kung saan naisasagawa na maisaayos at maitama ang gamit ng wika bilang remedy o interbensyon
KAKAYAHANG STRATEGIC
ano-ano ang limang kakayahang komunikatibo?
LINGGWISTIKO SOSYO-LINGGWISTIKO PRAGMATIKO DISKORSAL STRATEGIC
ng o nang:
sinusundan ng pangngalan
NG
ng o nang:
“bumili ka __ gatas sa tindahan”
NG
ng o nang:
“nawa’y magkaroon tayong lahat __ mga berdeng resulta sa bio”
NG
ng o nang:
sinusundan ng panguri
NG
ng o nang:
na + ang / na + na
NANG
ng o nang:
pamalit sa salitang “noong”
NANG
ng o nang:
pamalit sa mga salitang “upang” o “para”
NANG
ng o nang:
nagsaad ng paraan o sukat (pang-abay)
NANG
ng o nang:
ginagamit kapag may pandiwang inuulit
NANG
ng o nang:
“ayaw mo ____ mag-aral sa UST?”
NANG
ng o nang:
“humagulgol siya ____ makita niya ang kulay na pula sa kaniyang biology course site”
NANG
ng o nang:
“mag-review ka na ____ hindi ka maging sabaw sa exam bukas”
NANG
ng o nang:
“hinulaan na lamang ni sweet lover ang exam ____ may paghihinagpis”
NANG
ng o nang:
“bagsak pa rin naman tayo sa biology kahit tayo ay aral ____ aral”
NANG
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay pangngalan
MAY
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay pang-uri
MAY
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay pandiwa
MAY
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay pang-abay
MAY
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay ang katagang “mga”
MAY
may o mayroon:
“___ sagot ka na ba sa number 3?”
MAY
may o mayroon:
“bumagsak ako sa exam, ___ sampu akong mali”
MAY
may o mayroon:
“___ magagawa ba ako sa research?”
MAY
may o mayroon:
“huwag kayo sa ustshs ___ pangit magturo roon sa biology”
MAY
may o mayroon:
“___ mga peta na naman na binigay”
MAY
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay panghalip na panao
MAYROON
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay kataga (o mga kataga)
MAYROON
may o mayroon:
ang kasunod na salita ay isang pagsagot sa tanong
MAYROON
may o mayroon:
“___ siyang hinanakit sa ating seksyon”
MAYROON
may o mayroon:
“___ ba akong pwedeng maitulong sa research?”
MAYROON
may o mayroon:
“grabe naman yung flashcards mo ___ galit ka ba sa UST? ___”
(2 answers)
MAY; MAYROON
ayon sa epekto ng suprasegmental at iba’t ibang bahagi ng wika nina hernandez, paz at peneyra (2005), ang interpretasyon ng pahayag = _________
pragmatika
ang speech act theory ay nabuo ni _________ noong _______
JOHN AUSTIN; 1962
ayon sa teoryang ito, nagagamit ang wika sa pagganap sa mga kilos at kung paanong ang kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika
SPEECH ACT THEORY
ano-ano ang tatlong uri ng speech acts at ang gamit ng bawat isa
LOCUTIONARY (linggwistikong pahayag) ILLOCUTIONARY (ang intensyon at gamit) PERLOCUTIONARY (ang epekto ng pahayag)
ano-ano ang anim na mga hindi berbal na kakayahang pragmatiko
KINESIKA PROKSEMIKA PARALANGUAGE BAGAY HAPTICS o PANDAMA OCULESIC
kakayahang pragmatikong tumutukoy sa paggalaw o kilos ng tao at ng kanyang mga ekspresyon
KINESIKA
kakayahang pragmatikong tumutukoy sa distansya o espasyo na maaaring ring pagbatayan ng iba’t ibang pakahulugan
PROKSEMIKA
apat na uri ng proksemika
PUBLIC
PERSONAL
SOCIAL DISTANCE
INTIMATE
aling uri ng proksemika:
malawak na komunidad (12 ft.)
PUBLIC
aling uri ng proksemika:
pamilya/ kaibigan/ kakilala (2-5 ft.)
PERSONAL
aling uri ng proksemika:
isang tiyak na sitwasyon (5-10 ft.)
SOCIAL DISTANCE
aling uri ng proksemika:
kasintahan/
kapalagayang-loob (1.5-2 ft.)
INTIMATE
kakayahang pragmatikong may kinalaman sa paraan o estilo ng pagbigkas o pagsasalita
PARALANGUAGE
kakayahang pragmatikong gumagamit ng mga bagay-bagay upang iparating ang mensahe sa kausap
BAGAY
gintong alahas = panlipunang kalagayan
jacket/panlamig = kondisyong pisikal
(anong kakayahang pragmatiko?)
BAGAY
kakayahang pragmatikong may kinalaman sa kahulugang mahihinuha mula sa pandama at paghawak na maoobserbahan
HAPTICS o PANDAMA
kakayahang pragmatikong komunikasyong di berbal na gumagamit ng mga mata upang ihatid ang mensahe
OCULESIC
pagtitig, pag-irap, pagmulaga, pagpaling ng mata sa kanan o kaliwang bahagi
(anong kakayahang pragmatiko?)
OCULESIC
sino ang nagbahagi ng ideya na ang PAGPAPAHIWATIG ay BAHAGI NG KAKAYAHANG PRAGMATIKO
MAGGAY, 2002
katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na hindi tuwirang ipinaabot ang mensahe subalit nauunawan dahil sa matalas na pakiramdam
PAGPAPAHIWATIG
paggamit ng higit na kaaya-ayang pahayag o mga salita sa halip na tahas o deretsahan upang isaalang-alang ang sikolohikal na pangangailangan at emosyal ng estado ng tao
EUPEMISMO
kakayahan ng indibidwal na lumahok sa mga talakayan sa pamamagitan ng pagpapalalim at pagpapalawak ng mga ideya
KAKAYAHANG DISKORSAL