MGA KABIHASNAN SA PASIPIKO Flashcards
Ano ano ang 3 MGA KABIHASNAN
SA PASIPIKO?
POLYNESIA
MELANESIA
MICRONESIA
Ano ang ibig sabihin ng salitang “Polynesia”?
Hango ito sa salitang Griyego na nangangahulugang “maraming isla.”
Ano ang hugis ng teritoryo ng Polynesia sa mapa, at anu-anong mga isla ang saklaw nito?
Ang teritoryo ng Polynesia ay may malatatsulok na hugis. Saklaw nito ang mga isla ng:
• Hawaii sa hilaga
• Samoa sa kanluran
• Easter Island (Nui) sa silangan
• New Zealand sa timog
Anong mga kasanayan ang taglay ng mga sinaunang Polynesian sa paglalayag?
Ang mga sinaunang Polynesian ay:
• Magagaling na mandaragat na may kaalaman sa nabegasyon.
• Ginagamit nila ang araw, mga bituin, repleksiyon ng ulap, at lipad ng mga ibon bilang gabay.
Anong uri ng sasakyan ang gamit ng mga sinaunang Polynesian sa kanilang paglalakbay?
Mahahabang bangka.
Kailan narating ng mga sinaunang Polynesian ang kabuuan ng Polynesia?
Noong 1280 CE.
Ano ang ibig sabihin ng “Melanesia”?
Hango ito sa salitang Griyego na nangangahulugang “madilim na isla.”
Bakit tinawag na Melanesia ang rehiyong ito?
pinangalan ito ng mga Europeong manlalayag batay sa kulay ng balat ng mga katutubo.
llan at anu-ano ang mga isla na kabilang sa rehiyon ng Melanesia?
Ang rehiyon ng Melanesia ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 2,000 isla, kabilang ang:
• New Guinea
• Solomon Islands
• Vanuatu
• New Caledonia
• Fiji
Ano ang ibig sabihin ng salitang “Micronesia”?
Hango ito sa salitang Griyego na nangangahulugang “maliit na isla.”
Gaano karaming isla ang sakop ng Micronesia?
Humigit-kumulang 2,100 isla.
Anu-anong mga malalayang estado ang kabilang sa Micronesia?
Ang mga malalayang estado sa Micronesia ay:
• Federated States of Micronesia
• Palau
• Kiribati
• Marshall Islands
• Nauru
Anu-anong mga teritoryo ng Estados Unidos ang matatagpuan sa Micronesia?
Ang mga teritoryo ng Estados Unidos sa Micronesia ay:
• Guam
• Northern Marianas
• Wake Islands