Aralin 3-4 (CPT) Flashcards
Mayroong mayabong na heograpiya ang lupaing ito dahil sa lawak nito.
heograpiya ng Amerika
Ano ang Amerika sa konteksto ng kontinente?
Isa itong malaking landmass na nahahati sa dalawang kontinente.
Sino ang unang Europeo na nakarating sa Amerika, at kailan?
Ang manlalayag na si Leif Erikson mula Norway, noong 1000 BCE.
Sino ang Italyanong manlalayag na dumating sa Amerika noong 1492?
Si Christopher Columbus, na nakarating sa Bahamas sa ngalan ng Espanya.
Ano ang tawag sa mga unang naninirahan sa Amerika?
Tinatawag silang Katutubong Amerikano.
Ano ang tawag sa Amerika ng mga bagong dayo mula Europa?
Bagong Daigdig.
Ano ang ibig sabihin ng “Anasazi”?
Nangangahulugang “ninuno ng aming mga kalaban” mula sa wika ng mga Navajo.
Saan matatagpuan ang mga tribo ng Anasazi?
Sumasaklaw sa mga estado ng Arizona, New Mexico, Colorado, at Utah sa Estados Unidos.
Ano ang kanilang tirahan simula noong 700 CE?
Nakatira sila sa mga dugout house, at kalaunan ay nagpatayo ng mga bahay na yari sa bato o adobe.
Ano ang ikinabubuhay ng Anasazi?
Pagtatanim ng mais, munggo, at kalabasa.
Ano ang pangunahing batayan ng kanilang paniniwala?
Umaasa sila sa puwersa ng kalikasan, kaya bumuo sila ng sun clock para malaman ang pagbabago ng panahon.
Ano ang dahilan ng pag-alis ng Anasazi mula sa kanilang lupain?
Nagkaroon ng mahabang tagtuyot noong 1150 CE.
Kailan nabuo ang lipunan ng Hopewell at saan?
Ang lipunan ng Hopewell ay nabuo noong humigit-kumulang 100 BCE hanggang 500 CE sa rehiyon ng Silangan ng Hilagang Amerika, partikular sa mga lugar na sakop ngayon ng mga estado ng Ohio, Illinois, at mga kalapit na rehiyon. Ang mga Hopewell ay kilala sa kanilang malalaking tambak na lupa o earthworks na may hugis geometric at sa kanilang masiglang kalakalan.
Ano ang tawag sa mga estruktura ng mga Hopewell, at bakit?
Tinatawag silang mound builders dahil gawa sa pinatuyong lupa ang kanilang mga estruktura.
Ano ang kanilang mga pananim? (hopewell)
Mga mani, kalabasa, at iba’t ibang binhi ng halaman.
Ano ang kinakain ng mga Hopewell bukod sa tanim?
Mababangis na hayop, ibon, at isda.
Ano ang ipinapakita ng mga natagpuang artepakto sa tirahan ng mga Hopewell?
Sila ay mahusay na artesano na kadalasang gumagamit ng kahoy, bato, at tanso.
Saan matatagpuan ang mga tribong bumuo sa kabihasnang Mississippi?
Sa timog ng Ilog Mississippi at mga lugar tulad ng Alabama, Georgia, Arkansas, at iba pa.
Ano ang kahulugan ng “Mississippi”?
Nangangahulugang “dakilang tubig.”
Sino ang mga pinuno sa kanilang pamahalaan? (mississippi)
Mga pari.
Ano ang ginagawa sa mga gusali ng Mississippi para sa kanilang relihiyon?
Doon isinasagawa ang mga panrelihiyong seremonya na may impluwensiya mula sa Gitnang Amerika.
Ano ang epekto ng pagdating ng mga kolonistang Europeo sa mga katutubo ng Mississippi?
Naging alipin ang ilang katutubo, at lumaganap ang sakit at epidemya na nagpababa ng populasyon.
Saan matatagpuan ang kultura ng Pacific Northwest Coast?
Mula sa baybayin ng timog Alaska, British Columbia hanggang hilagang kanlurang California.
Ano ang tawag sa karaniwang tahanan ng mga tao sa Pacific Northwest Coast?
Plank houses o bahay na gawa sa tablang kahoy.
Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubo sa Pacific Northwest Coast?
Pangingisda, ngunit nag-aalaga rin sila ng usa at oso, at gumagamit ng mga aso para humila ng sled.
Ano ang pangunahing paniniwala ng mga tao sa Pacific Northwest Coast?
Animismo; naniniwala silang may espiritu ang tao, hayop, halaman, puno, bato, at kalikasan.
Ano ang simbolo ng kanilang pananampalataya na matatagpuan sa harap ng kanilang mga tahanan? (mga tao sa Pacific Northwest Coast)
Mga totem.
Ano ang tawag sa seremonya ng mga tao sa Pacific Northwest Coast na nagaganap tuwing may espesyal na okasyon?
Potlatch.
Saan nakatira ang mga Eskimo?
Sa silangang Siberia ng Rusya, Alaska, Canada, at Greenland.
Ano ang ibig sabihin ng salitang “Eskimo” at saan ito nagmula?
Galing sa Abenaki na “askimo” o Ojibwa na “ashkimeq,” nangangahulugang “mangangain ng hilaw na karne.”
Ano ang ibig sabihin ng “Inuit,” at saan mas ginagamit ang terminong ito?
Ang “Inuit” ay salitang Inuktitut na nangangahulugang “mga tao” at mas ginagamit sa Canada.
Ano ang pangunahing paniniwala ng mga Eskimo?
Shamanism
Ano ang pangunahing gawain ng kalalakihan at kababaihan sa mga Eskimo na komunidad?
Ang kalalakihan ang nangangalap ng pagkain at nagtatayo ng mga bahay, samantalang ang kababaihan ang nag-aasikaso ng tahanan.
Ano ang epekto ng pagkatunaw ng yelo sa kabundukan ng Hilagang Amerika sa Gitnang Amerika?
Umusbong ang matatabang kapatagan sa Gitnang Amerika o Mesoamerika.