Mga Gamit Ng Wika Sa Lipunan Flashcards
M.A.K Halliday
Michael Alexander Kirkwood Halliday
Inilahad niya ang mga tungkulin ng wika na matatagpuan sa kanyang aklat na explorations in functions/language (explorations in language study) 1973
Michael Alexander Kirkwood Halliday
Ibigay ang mga tungkulin ng wika
- Instrumental
- Regulatoryo
- Interaksiyonal
- Personal
- Heuristiko
- Impormatibo
Nakikipag-ugnayan sa iba gamit ang iba’t ibang instrumento.
Hal: ang paggawa ng liham pangangalakal at liham ng patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto
Instrumental
Pagkontrol ng ugali ng ibang tao
Hal: pagbibigay ng direksyon, hakbang sa pagluluto ng ulam, panuto, at mga gabay sa paggawa ng anumang bagay
Regulatoryo
Pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa
Hal: pakikipagbiruan, palitan ng kuro-kuro sa partikular na issue, pagkwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang loob at iba pa.
Interaksiyonal
Pagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan
Hal: pagsusulat sa journal, pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan
Personal
Pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan
Hal: pag-interview, pakikinig sa radyo, panonood ng tv, pagbabasa na kung saan makakakuha tayo ng impormasyon
Heuristiko
Kabaliktaran ng heuristiko may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pagsulat o pagsasalita.
Hal: pagbibigay ng ulat, paggawa ng pamanahong papel, thesis, panayam at pagtuturo
Impormatibo