Mga Barayti Ng Wika Flashcards
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng ________ dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika
Barayti ng wika
Ilahad ang anim na barayti ng wika
Dayalek
Idyolek
Sosyolek
Pidgin
Creole
Register
Barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
Dayalek
Kahit iisang dialect ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pang sariling paraan ng pagsasalita ang bawat tao
Idyolek
Barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika
Sosyolek
Mga uri ng sosyolek
Conyo, jejemon, jargon
Ito ay ang wika ng mga beki
Gay lingo
Isang barayti ng taglish. May ilang salitang ingles na inihahalo sa filipino kaya’t may code switching na nangyayari
Conõ, conyotic, o conyospeak
Jologs. Nakabatay din ito sa filipino at ingles ngunit may halong numero mga simbolo at malalaki at maliliit na titik kaya mahirap basahin o intindihin lalo na kung hindi pamilyar sa “jeje typings”
Jejemon
Mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay nakapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain
Jargon
“nobody’s native language”. Katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkakaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa
Pidgin
Ang wika na nagmula sa isang pigeon at naging unang wika sa isang lugar. “Makeshift language”
Creole
Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap
Register