Mga Ambag ng mga Greek sa Sibilisasyon Flashcards
Ano ang dalawang pangunahing pagkakakilanlan ng kulturang Greek?
Kulturang Hellenic at Kulturang Hellenistic.
Ano ang Kulturang Hellenic?
Ito ay tumutukoy sa kabihasnan ng mga Greek noong panahon bago ang pananakop ni Alexander the Great, na nakapokus sa pagiging malaya ng bawat lungsod-estado at ang pagbibigay-halaga sa mga sining, agham, at pamahalaan.
Ano ang Kulturang Hellenistic?
Ito ay ang kulturang nabuo matapos ang paglawak ng teritoryo ni Alexander the Great, kung saan naghalo ang kulturang Greek at ang kultura ng mga nasakop na lugar tulad ng Persia, Egypt, at India.
Ano ang mga katangian ng arkitekturang Greek?
Nagtatag ang mga Greek ng magagandang estruktura na may simetriya at detalyadong disenyo. Ang Parthenon sa Athens ay isa sa mga pinakamahusay na halimbawa.
Kailan itinayo ang Parthenon?
Itinayo noong 447 BCE at natapos noong 438 BCE.
Ano ang mga materyales na karaniwang ginagamit sa mga eskultura ng Greek?
Kadalasang yari ang mga ito sa marmol o ivory.
Sino ang inukit ng malaking estatwa ni Athena sa Parthenon?
Inukit ito ni Phidias, isa sa pinakamahuhusay na eskultor ng Greece.
Ano ang mga kilalang likhang-sining ng mga Greek?
Kabilang dito ang Discobolus ni Myron at ang estatwa ni Zeus sa Olympia na inukit ni Phidias.
Ano ang mga pangunahing akda sa panitikan ng mga Greek?
Kabilang dito ang mga epiko tulad ng Iliad at Odyssey na isinulat ni Homer.
Sino ang tanyag na manunulat ng mga trahedya?
Si Sophocles ay tanyag sa pagsulat ng mga trahedya tulad ng Oedipus Rex.
Sino ang kilalang manunulat ng mga komedya?
Si Aristophanes ay kilala sa pagsulat ng mga komedya.
Sino ang itinuturing na kauna-unahang siyentista ng Greece?
Si Thales.
Ano ang Pythagorean Theorem?
Ito ay teorya tungkol sa ugnayan ng mga sulok sa tatsulok na kilala kay Pythagoras.
Sino ang tinaguriang ‘Ama ng Medisina’?
Si Hippocrates.
Ano ang Hippocratic Oath?
Ito ay sinumpaan ng mga doktor sa kasalukuyan, na nagmula sa ideya ni Hippocrates na ang sakit ay nagmumula sa natural na kadahilanan.