Kabihasnang Klasikal sa Greece Flashcards
Ano ang Acropolis?
Ang pinakamataas na lugar sa isang polis kung saan matatagpuan ang mga palasyo at templo para sa lokal na diyos.
Ano ang Agora?
Isang pampublikong lugar sa ibaba ng acropolis na ginagamit bilang pamilihan.
Ano ang polis?
Mga lungsod-estado na nagsisilbing heograpikal at politikal na sentrong pamayanan ng mga Greek.
Ano ang mga bahagi ng polis?
Binubuo ng iba’t ibang bahagi, kabilang ang acropolis at agora, na may mga kabahayan at sakahan sa paligid.
Kailan nagsimulang umunlad ang mga polis sa Greece?
Nagsimulang umunlad ang mga polis sa Greece sa ika-8 siglo BCE mula sa Panahon ng Karimlan.
Ilan ang mga polis sa Greece?
May mahigit 1000 na polis sa Greece, kabilang ang Athens, Corinth, Thebes, at Sparta.
Saan matatagpuan ang Sparta?
Matatagpuan ang Sparta sa katimugang rehiyon ng Greece, sa tangway ng Peloponnesus.
Ano ang Lacedaemonia?
Bayan ng mga Spartan, na kilala ngayon bilang Laconia.
Paano pinamunuan ang Sparta sa simula?
Sa simula, ang Sparta ay pinamumunuan ng isang hari, ngunit noong 800 BCE, naging makapangyarihan ang mga maharlika.
Ano ang tatlong uring panlipunan ng Spartan?
Mga Spartan o Spartiates, Perioeci, at Helots.
Ano ang mga Ephors?
Limang pinuno na namumuno sa Assembly ng Sparta at nangangasiwa sa pampublikong gawain at edukasyon ng mga batang Spartan.
Ano ang Council of Elders?
Kilalang Gerousia, binubuo ng matatandang Spartan na may edad na 60 taon pataas na tumutulong sa pamamahala.
Ano ang mga Perioeci?
Binubuo ng mga mangangalakal at mga artisan na karaniwang naninirahan sa mga kanayunan.
Ano ang mga Helots?
Mga alipin na nagmula sa mga nabihag na populasyon na nagtatrabaho para sa mga Spartan.
Ano ang Barracks?
Mga kampo kung saan naninirahan ang mga kalalaking Spartan habang sila ay aktibong bahagi ng hukbo.
Ano ang Javelin Throw?
Isang uri ng pampalakasan na sinasalihan ng mga kababaihang Spartan upang mapanatiling malakas ang kanilang pangangatawan.
Ano ang Wrestling?
Isa pang uri ng pampalakasan na sinasalihan ng mga kababaihang Spartan.
Paano itinuturing ang lipunan ng Spartan?
Itinuturing na militaristiko ang lipunang Spartan, nakatutok sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan.
Kailan nagsisimula ang pagsasanay sa militar ng mga kalalaking Spartan?
Nagsisimula ang pagsasanay sa militar sa edad na pitong taon.
Ano ang kalagayan ng mga kababaihang Spartan?
May higit na kalayaan ang kababaihang Spartan kumpara sa ibang kababaihan sa Greece.
Ano ang Militaristikong Kultura?
Ang Spartan ay nakatuon sa pagpapalakas ng kanilang hukbo, na nagdulot ng pagkakaibang pang-ekonomiya kumpara sa ibang lungsod-estado ng Greece.
Ano ang Tuwirang Demokrasya?
Ang anyo ng demokrasya sa Athens kung saan ang lahat ng mamamayan ay tuwirang nakikilahok sa pagboto at paggawa ng batas.
Ano ang Tyrant?
Isang pinuno na may ganap na kapangyarihan; sa Athens, nagkaroon ito ng negatibong kahulugan dahil sa mga malulupit na pinuno.
Saan matatagpuan ang Athens?
Isang maunlad at mayamang lungsod-estado na umusbong sa hilagang-kanluran ng Sparta.
Ano ang Draconian Code?
Mga batas na ipinatupad ni Draco na kilala sa kanilang kabagsikan at pagiging malupit.
Ano ang Ostracism?
Isang sistema sa ilalim ng pamumuno ni Cleisthenes kung saan ang mga mamamayan ng Athens ay maaaring bumoto upang palayasin ang mga itinuturing na banta.
Ano ang The Golden Age of Athenian Democracy?
Tinaguriang Gintong Panahon ng Athens sa ilalim ng pamumuno ni Pericles, kung saan umabot sa rurok ang kapangyarihan at kaunlaran ng Athens.
Sino si Draco?
Kauna-unahang naitalang demokratikong mambabatas ng Athens na gumawa ng mga batas.
Sino si Solon?
Isang mayamang mangangalakal na naging pinuno ng Athens noong 594 BCE at nagpatupad ng mga reporma.
Sino si Pisistratus?
Naging isang tyrant noong 546 BCE at nagpatayo ng mga templo at pasilidad sa Athens.
Sino si Cleisthenes?
Isang demokratikong pinuno na nagpalawak ng demokrasya sa Athens at nagpatupad ng sistemang Ostracism.
Sino si Pericles?
Pinuno ng Athens noong 460 BCE–429 BCE at tinaguriang The Golden Age of Athenian Democracy.
Ano ang bumubuo sa Spartiates
Ephors, Council of Elders, at Assembly
Ano ang Assembly
Nakatalaga upang pamahalaan ang mga pampublikong gawain at edukasyon ng mga batang Spartan.