MAKABAGONG TEORYA Flashcards

1
Q

TEORYANG MAMA

A

Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay.

Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitangmotherngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi angmamabilang panumbas sa salitang mother

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

TOERYANG SING-SONG

A

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.

Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

TEORYANG HEY YOU!

A

Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.

Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

TEORYANG COO COO

A

Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.

Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

TEORYANG BABBLE LUCKY

A

Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.

Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

TEORYANG HOCUS POCUS

A

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

TEORYANG EUREKA!

A

Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito.

Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.

Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly