KATUTURAN Flashcards
KATUTURAN: HENRY GLEASON
” Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo.”
“Ang mga tunog ay hinuhugisan/ binibigyan ng makabuluhang simbolo na pinagsama-sama upang makabuo ng salita na gamit sa pagpapahayag.”
KATUTURAN: WEBSTER (1974, p.536)
“Ang wika ay isang sistemeng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pagsulat o pasaling na simbolo. “
KATUTURAN: ARCHIBALD A. HILI
“Ang wika ay ang pangunahin at pina-elaborayte na anyo ng simbolikong pantao.”
KATUTURA: ANG WIKA AY ISANG BAHAGI NG PAKIKIPAGTALASTASAN
Kalipunan ito ng mga tunog, simbolo at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. “
KATUTURAN: MANGAHIS (2005)
“Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan.”
“Ito ay medyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi ng pakakaunawaan.”
SAAN NAGMULA ANG WIKA?
Ito ay nagmula sa wikang MALAY.
ANO ANG WIKA SA KASTILA?
Lengguwahe
SAAN NAGMULA ANG LENGGUWAHE?
Ito ay nagmula sa salitang Latin na LINGUA.
ANO ANG IBIG SABIHIN NG LINGUA?
Ito ay DILA.
LINGUA FRANCA
Ito ay pagkakaroon ng wikang nag-uugnay sa dalawa at higit pang tao o grupo ng taong may sariling wika.
LINGUA FRANCA NG MUNDO
Ingles