M9 Flashcards
paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa
kanyang lipunan o kapaligiran
Pananaliksik
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pagpapaunlad at pagpapatibay ng paggamit ng wikang FIlipino nanaaayon sa ating saligang batas. Ngunit sa nangyayari sa ating lipunan ngayon, nagiging etsa-puwera na lang ang ating wika dahil sa iba’t ibang resolusyon at pagbabagong ginawa lalo na sa antas ng kolehiyo
Ang Patakarang Pangwika sa Edukasyon
Sinasabi nila na ito ang “universal language”. Nagiging batayan na rin ito ng kalidad ng pag-iisip at katalinuhan ng isang tao. Hindi na natin masisisi ang ibang mag- namamayaning kalakaran sa kasalukuyan
Ingles bilang lehitimong wika
Talamak na ang globalisasyon ng mga pananaliksik, Hindi masama ang pag-aaral ng mga ito mula sa ibang mauunlad na bansa ngunit mukhang nalalagay sa alanganin ang pagpapakadalubhasa ng mga Pilipinong mananaliksik sa ganitong aspekto. Nakaaapekto rito ang mga pagpapaunlad ng sosyo-kultural na pagkakaisa ng mga banda katulad ng ASEAN
Internasyonalisasyon ng Pananaliksik
Mahabang panahon pa ang gugugulin tungkol sa usaping may kinalaman sa paggamit ng wikang Filipino sa mga asignaturang katulad ng agham at teknolohiya. Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga ito.
Maka-ingles ng pananliksi sa iba’t ibang larang at disiplina
Etikal na Pananaliksik at mga Responsibilidad ng Mananliksik
Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik
Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok
Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok
Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik
Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksk.
Ang pinakadiwa nito ay huwag angkinin ang hindi sa iyo.
Ang pag-aangkin sa kaisipan at ideya ng ibang tao ay paglabag sa intellectual property code.
Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksaik
Kinakaliangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon para sa anomang partisipasyong sa pananaliksik.
Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok
Kailangang ipaunawa sa mga kalahok ng ang anomang impormasyon na magmummula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananliksik.
Pagiging Kumpidensyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.
Pagbalik at Paggamit sa resulta ng pananaliksik
ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Plagiarism
Mga Dahilan Kaugnay ng Plagiarism
Kawalan ng ideya sa kalikasan ng plagiarism
Pagmamadaling matapos ang pananaliksik
Kakulangan sa pag-aaral sa plagiarism
Minsan alam nila ang tungkol sa ganito ngunit may mga sadya at di-sinasadyang gawa tungkol niyo
Kawalan ng ideya sa kalikasan ng plagiarism
Hindi nabibigyan ng sapat na oras ang pananaliksik kung kaya’t nawawalan ng sinop at pag-iingat sa paggawa ng pananaliksik. Dahil dito, may mga pagkakataong nakakaligtaan na nila ang pagkilala sa mga ideya.
Pagmamadaling matapos ang pananaliksik
May mga pagkakataong hindi nabibigyan ng sapat na pagtatalakay tungkol sa usaping plagiarism kung kaya’t hindi ito masyadong napagtutuonan ng pansin ng mga mag-aaral at mga mananaliksik
Kakulangan sa pag-aaral sa plagiarism