M12 Flashcards
Ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan.
Detalyadong balangkas kung paano isinasagawa ang imbestigasyon
Disenyo sa Pananaliksik
Nagtakda sa uri ng disenyong gagamitin ng mananaliksik. Karaniwang ang suliranin ng pananaliksik ay nagpapakita kung anong larang ang paksa ng pag-aaral. Bawat larang o disiplina ay may naaangkop na disenyong maaaring gamitin
Suliranin ng Pananaliksik
tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng komputasyon
Kwantitatibong Pananaliksik
kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat ng ang layunin ay malalim ang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
Kwalitatibong Pananaliksik
Mga Uri ng Disenyo ng Pananaliksik
Desktriptibo
Historikal
Komparatibo
Etnograpikong Pag-aaral
Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan. At kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
Deskriptibong Disenyo
Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuong mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensiya, pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay.
Historikal Disenyo
Naglalayong maghambing ng mga anumang konspeto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na ginagamit sa mga cross-national na pag-aaral ng ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon.
Komparatibo Disenyo
Ang etnograpiya ay nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan na pakikisalamuha rito.
Etnograpikong Pag-aaral