M5 - Ulirang Flashcards
1
Q
Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng focus, komitment, pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa kinabibilangang pangkat.
A
Kakayahan sa trabaho (job skills).
2
Q
Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga kasama sa pangkat, iba pang samahan at sa mga namumuno.
A
Kakayahang mag-organisa (organizational skills).
3
Q
Malilinang ito ng isang ulirang tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti, matatag at matapang na konsensya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
A
Mga pagpapahalaga (values component).