M4 - Katangian Flashcards
Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay na layon ng kaniyang pagkatao, mga pinahahalagahan, layunin sa buhay at kung ano ang nagbibigay ng kahulugan, kapanatagan at kaligayahan sa kaniyang buhay.
Kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery o self-adaptation).
Maraming paraan ng pamamahala ang kayang gawin ng isang adaptibong lider.
Kakayahang makibagay sa sitwasyon.
Nalalaman niya kung anong uri ng pamamahala o istilo ang nararapat sa bawat sitwasyon na kaniyang kinahaharap dahil siya ay sensitibo, marunong makibagay at dagliang tumutugon sa mga pangangailangan ng kaniyang pinamamahalaan
Kakayahang makibagay sa sitwasyon.
Kinakikitaan ang isang adaptibong lider ng masidhing pagnanasang magtagumpay at umiwas sa kabiguan; ang makipagsapalaran at ipaglaban ang kaniyang mga karapatan tungo sa pagtatagumpay.
Kakayahang makibagay sa personalidad.
Nalalaman niya kung paano makitungo sa iba’t ibang tao na mayroong iba’t ibang personalidad
Kakayahang makibagay sa personalidad.
Madaling makipag-ugnayan at makitungo sa ibang tao ang isang adaptibong lider dahil sa kaniyang mataas na antas ng kamalayan at kasanayang panlipunan.
Kakayahang makibagay sa mga tao.