M3 - M5 Flashcards
Ay isang kasulatan na nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos
Memorandum
May layunin itong magpabatid ng isang impormasyol hinggil sa isang partikular na dahilan ng anomang organisasyon, samahan o kompanya
Memorandum ng Kabatiran
May layunin itong magpaabot ng isang kahilingan o pabor hinggil sa isang partikular na dahilan ng anomang orgnanisasyon, samahan o kompanya
Memorandum ng Kahilingan
May layunin itong maglahad ng tugon hinggil sa isang partikular na dahilan, sitwasyon o hinihingi ng anomang organisasyon, samahan o kompanya
Memorandum ng Pagtugon
Professor na ipinangalan
Prof. Maria Rovilla Sudprasert
Pagkilanlan ito isang kompanya, institusyon, o organisasyon
Logo at Pangalan
Ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo
Tatanggap/Receiver
ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpapadala ng memo. Nakasulat ito sa anyong “Mula Kay / “Mula sa”.
Nagpadala
sa bahaging ito ay iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 at dinaglat na buwan na Nobyembre o Nob
Petsa
sa bahaging ito ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran
Paksa
ay kadalasang maikli lamang at naglalahad ng mahalagang impormasyon tungkol sa pulong
Mensahe
ay naglalaman ng pagkakilanlan ng nagpadala
Lagda
ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ito ang susi sa pagkakaroon ng maayos at sistematikong pulong. (Sudprasert, 2014)
Adyenda
Ang Kahalagaan ng Adyenda
- Ito’y nagsasaad ng mga impormasyon. Anong paksa ang tatalakayin, mga taong tatalakay, at oras na itinakda para sa bawat paksa.
- Ito ang nagtatakda ng balangkas ng pulong. Pagkakasunod-sunod at tagal ng pag-uusapan.
- Ito ay nagisislbing talaan at tseklist.
- Ito’y nagbibigay kahandaan sa mga kasapi. Pagbibigay pagkakataon sa mga bagay na mapagdidesisyunan.
- Nakakatulong na mapanatiling nakapokus sa paksang tatalakayin.
Mga Hakbang sa pagsulat ng Adyenda
- Magpadala ng memo. Maaaring nakasulat sa papel o sa paraang e-email.
- Ilahad sa memo ang paglagda. Mga concerns o paksang tatalakayin.
- Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin.
- Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo.
- Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
Heading
dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
Mga Kalahok
dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinasagawa sa mga ito.
Pinagtibay na KNP
dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay kasama ang mga hindi pa natapos o nagawang proyekto.
Action Items
dito nakalagay ang mga adyenda o suhestiyon para sa susunod na pulong.
Pabalita o Patalastas
itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
Iskedyul ng Susunod na Pulong
inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
Pagtatapos
mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
Lagda
sa ganitong uri ng katitikan ay kailangan nakasulat ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong.
Ulat Katitikan
nakasalaysay ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.
Salaysay ng Katitikan
nakasaad lamang ang mga isyung napagkasunduan ng Samahan. Sa uring ito kadalasang mababasa ang mga katagang “Napagkasunduan na o Napagtibay na”.
Resolusyon ng Katitikan