M1 Flashcards
Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat
KASANAYANG PAMPAGIISIP
ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita.
PAGSULAT
ay pagsasalin sa papel sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng siang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan
PAGSULAT
ito ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao.
PAGSULAT
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig magsulat mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala.
Kahalagahang Panterapyutika
Ang pagsulat ay nagsisilbing ugnayan ng tao at lipunan. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang pagsulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa pangyayari sa lipunan
Kahalagahang Pansosyal
Ang tao ay sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y kanyang nagiging hanapbuhay
Kahalagahang pang-ekonomiya
Ang pagsulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang Pambansa at mga naisatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga susunod na henerasyon.
Kahalagahang Pangkasaysayan
Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral
AKADEMIKONG Pagsulat
Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin
TEKNIKAL na Pagsulat
Sumasaklaw ito sa mga sulating tulad ng balita, kolum, anunsiyo, atbpng akdang makikita sa pahayagan at magasin
DYORNALISTIK
Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa tulad ng bibliyograpiya, index at note cards
REPERENSIYAL
Ito ay isang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na larangan o propesyon
PROFESYUNAL
Ito ay isang uri ng pagsulat na masining. Ang pokus ng pagsulat nito ay batay sa imahinasyon ng manunulat
MALIKHAING Pagsulat
ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng taong sumusulat
WIKA