M2: Lakbay-sanaysay at Pictorial Essay Flashcards
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang- amoy, at pandinig.
Lakbay-sanaysay
Mga dahilan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
Makalikha ng patnubay para sa posibleng mga manlalakbay.
Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom o kaya’y pagtuklas sa sarili.
Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa isang malikhaing pamamaraan.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay
Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip ng isang turista
Sumulat sa unang panauhang punto de-bisita. (First-person)
Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay
Ilahad ang mga realisasyon o mga natutunan sa paglalakbay
Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay
nagtala ng mahahalagang datos tungkol sa paglalakabay niya sa Pilipinas kasama si Ferdinand Magellan
Antonio Pigafetta
sumulat ng librong “Travels of Marco”
Marco Polo
Tinatawag ding photo essay. Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita.
Pictorial Essay
Sangkap ng Pictorial Essay:
Larawan at Teksto
Katangian ng Pictorial Essay
Malinaw na Paksa
Pokus
Orihinalidad
Kawilihan
Lohikal na estruktura
Mahusay na paggamit ng wika
Mga hakbang sa pagsulat ng Pictorial Essay
Pumili ng Paksang tumutugon sa pamantayang itinatakda ng iyong guro.
Isaalang-alang ang iyong mga audience.
Kumuha ng maraming larawan.
Piliin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod
Isulat ang teksto sa ilalim o tabi ng bawat larawan.