M1: Ang Konsepto ng Pagsulat Flashcards
Isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Pagsulat
Ang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon
Pagsulat
Layunin ng Pagsulat
Komunikasyon
Pagpapaliwanag
Pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan
Kahalagahan ng Pagsulat
Pagpapahayag ng kaisipan
Pagpapanatili ng kaalaman
Pagpapalaganap ng impormasyon
Mga Uri ng Pagsulat
Akademiko
Journalistic
Propesyunal
Reperensyal
Malikhain
Karaniwang ginagamit sa mga institusyon ng edukasyon at iba pang akademikong larangan. Layunin nito ang maipahayag ng malinaw at sistematiko ang mga akademikong ideya at impormasyon.
Akademikong Pagsulat
May kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa
Journalistic
Nagmumungkahi ng reperens
Reperensyal
may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa paaralan. Binibigyang -pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral ukol sa napiling propesyon.
Propesyunal
Pokus - imahinasyon ng mga manunulat
Layunin - paganahin ang imahinasyon ng mga manunulat.
Malikhain
Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
Wika
Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
Paksa
Magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Layunin
Mga iba’t ibang paraan ng pagsulat
Paraang Argumentatibo
Paraang Naratibo
Paraang Deskriptibo
Paraang Impormatibo
Paraang Ekspresibo
Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos. Maging lohikal at obhetibo sa pagpapaliwanag ng mga impormasyon.
Kasanayang Pampag-isip
Sapat na kaalaman sa wika at retorika. (titik, bantas, pangungusap, talata at iba pa)
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
Kakayahang maglatag ng mga impormasyon sa paraang komprehensibo.
Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin