Lesson 5 - Editoryal Flashcards
Editoryal
“Pangulong-Tudling”. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw/kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
“Tinig ng Pahayagan”.
Bahagi ng Editoryal
Panimula, Katawan, Wakas
Panimula
Dito binabanggit ang isyu/balitang tatalakayin.
Katawan
Dito ipinahahayag ang opinyon/kuro-kuro ng patnugot. Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig)/can (pagsalungot) sa isyung tinalakay.
Wakas
Dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat/paglagom upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.
Mga Uri ng Editoryal
Nagpapabatid, Nagpapakahulugan, Namumuna, Nanghihikayat, Nagpaparangal/Nagbibigay-puri, Nanlilibang, Nagpapahalaga sa natatanging araw.
Nagpapabatid
Ipinapaliwanag/nililinaw ang isang isyu sa hangaring higit na maunawaanvang balita/pangyayari.
Nagpapakahulugan
Binibigyang kahulugan ang isang pangyayari/kasalukuyang kalagayan sang-ayon sa paningin/pananaw ng pahayagan.
Namumuna
Isang hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol sa isang mainit na isyu. May layunin itong magmungkahi sang-ayon sa paninindigan ng pahayagan.
Nanghihikayat
Mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isyung pinapanigan/pinaninindigan ng pahayagan.
Nagpaparangal/Nagbibigay-puri
Nag-uukol ng papuri/karangalan sa isang tao/kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.
Nanlilibang
Nahahawig ito sa sanaysay na impormal. Tumatalakay ito sa anumang panig ng buhay.
Nagpapahalaga sa natatanging araw
Tinatalakay nito ang mga pambansang pagdiriwang (Pasko, Mahal na Araw, Todos los Santos, Bagong Taon, etc.)
Ilang Halimbawa ng mga Pahayag at Salitang Nanghihikayat na maaaring hamitin sa Pagbuo ng Editoryal na Nanghihikayat
Talaga, Ito na, Ngayon na, Tumpak, Totoo/Tama, Siyempre, Pero/Subalit, Sama na, Naniniwala akong, Siguradong, Kitang-kita mong, Kaya natin ito, Kaya mong maging bahagi ng