Lesson 1 - Bulong at Awiting-Bayan Flashcards
Awiting-Bayan
Isa sa mga uri ng sinaunang panitikang Pilipino na naging popular bago pa man dumating ang mga Espanyol. Nasa anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod
Balitaw
Awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga Bisaya
Kundiman
Bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga Tagalog
Dalit
Awit na panrelihiyon/himno ng pagkadakila sa Maykapal
Diyona
Awitin sa panahon ng pamamanhikan/kasal
Dung-aw
Awit sa patay ng mga Ilokano
Kutang-Kutang
Mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan
Kumintang
Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban
Soliranin
Awit sa paggagaod o pamamangka
Pangangaluwa
Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog
Maluway
Awit sa sama-samang paggawa
Oyayi o Hele
Awiting panghele/pampatulog ng bata at tinatawag na “lullaby” sa Ingles
Sambotani
Awit ng pagtatagumpay
Lawiswis Kawayan
Awiting-bayan mula sa Samar Leyte
Dandansoy
Awiting-bayan mula sa Negros Occidental