Lesson 4 Flashcards
isang sanaysay na naglalahad ng opinion hinggil sa isang usapin, karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal.
-Ginagamit din ito sa malalaking organisasyon upang
isapubliko ang mga opisyal na paniniwala at mga rekomendasyon ng pangkat.
Posisyong Papel
MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL
Depinadong Isyu
Klarong Posisyon
Mapangumbinsing Argumento
Angkop na Tono
Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay na pinagtatalunan ng tao. Ang isyu ay maaaring mula sa isang partikular na okasyon o sa isang nagaganap na debate.
Depinadong Isyu
Liban sa pagbibigay kahulugan sa isyu, kailangang
mailahad nang malinaw ng awtor ang kanyang posisyon hinggil doon. Minsan, ang posisyon ay kwalipayd upang maakomedeyt ang mga nagsasalungatang argumento, ngunit hindi maaari ang posisyong malabo o ang indensyon.
Klarong Posisyon
Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor ang
kanyang paniniwala. Upang makumbinsi ang mga
mambabasa, kailangang magbigay ang awtor ng
matalinong pangangatwiran at solidong ebidensya upang suportahan ang kanyang posisyon.
Mapangumbinsing Argumento
Upang matiyak na masusundan ng mambabasa ang isang argumento, kailangang malinaw na maipaliwanag ang mga pangunahing puntong
sumusuporta sa posisyon.
Matalinong Katwiran
Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba’t ibang uri ng ebidensyang sumusuporta sa kanyang posisyon. Ilan sa mga ito ay ang anekdota, awtoridad at estadistika.
Solidong Ebidensya
Kailangan ding isaalang-alang ng awtor ang mga salungatang pananaw na maaaring kanyang iakomodeyt o pabulaanan.
Kontra-argumento
Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong
papel ang pagpili ng tono sa pagsulat na nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin at nang hindi nagsasara ng komunikasyon.
Angkop na Tono
ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL:
Pumili ng Paksa
Magsagawa ng Panimulang Pananaliksik
Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga
sumusuportang ebidensya
Gumawa ng Balangkas
Isulat na ang iyong Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay iinog sa iyong
personal na paniniwala na sinusuportahan
ng pananaliksik.
Pumili ng Paksa
Kailangan ng panimulang pananaliksik
upang malaman kung may mga
ebidensyang sumusuporta sa iyong
posisyon.
Magsagawa ng Panimulang Pananaliksik
Kailangang alam mo hindi lamang ang
iyong sariling posisyon, kundi maging ang
sasalungat sa iyo. Kailangang alam mo ang
mga posibleng hamong iyong kakaharapin.
Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kapag natukoy mo na ang iyong posisyong
masusuportahan at ang kahinaan ng kabilang panig,
handa ka nang ipagpatuloy ang iyong pananaliksik.
Sikaping makakolekta ng iba’t ibang suporta tulad ng
opinyon ng mga eksperto at mga personal na karanasan.
Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga
sumusuportang ebidensya
Ang posisyong papel ay
maaaring ayusin ayon sa
kasunod na pormat
Gumawa ng Balangkas