Lesson 2 Flashcards
Ang isang pangmalawakang depinisyon na
maibibigay para sa_____________ na
isinasagawa upang makatupad sa isang
pangangailangan sa pag-aaral.
Kinapapalooban ito ng ano mang itinakdang
gawaing pagsulat sa isang setting na akademiko
Inaasahan na ang pagsulat na ito ay TUMPAK,
PORMAL, IMPERSONAL AT OBHETIBO.
Akademikong Pagsulat
3 Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
KATOTOHANAN
EBIDENSYA
BALANSE
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
KATOTOHANAN
Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang
______ upang suportahan ang katotohanang kanilang inilahad.
EBIDENSYA
Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya
na sa paglalahad ng mga haka, opinion at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging maktwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
BALANSE
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT:
Kompleks
Pormal
Tumpak
Obhetibo
Eksplisit
Wasto
Responsable
Malinaw na Layunin
Malinaw na Pananaw
May Pokus
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
Epektibong Pananaliksik
Lohikal na Organisasyon
Matibay na suporta
Iskolarling Estilo sa Pagsulat
ang pagsulat ng wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksiyon at bokabularyo.
Kompleks
hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal
na salita at ekspresyon.
Pormal
ang mga datos tulad ng facts and figures ay
inalalahad nang ______ o walang labis at walang kulang.
Tumpak
ang pokus nito ay kadalasan ay ang
impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
Obhetibo
nagagawang _______ sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang salitang signaling word sa teksto.
eksplisit
maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
Wasto
ang manunulat ay kailangang maging ________ lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
responsible
ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.
Malinaw na Layunin
ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng
iba, ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang
sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay
tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.
Malinaw na Pananaw