lesson 3 Panukalang Proyekto Flashcards
Isang sulatin na naglalatag at nagpapakilala ng isasagawang pananaliksik o pag-aaral.
Kasulatan ng mungkahing proyekto na naglalaman ng mga planong gawaing ihaharap sa tao o sa samahang pag-uukulan, na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Panukalang Proyekto
Sa pamamagitan ng pamagat ng proyekto, nagkakaroon ng pokus ang pananaliksik. Gayundin, nababanggit nito ang limitasyon ng pag-aaral.
Pamagat
Ang mga layunin ang magsisilbing pangako ng mananaliksik sa kaniyang mga mambabasa. Tandaang huwag magtatala ng mga layuning hindi maisasakatuparan
Mga Layunin sa Pag-aaral
Nagsasaad ito ng kahalagahan ng Pag-aaral. Kailangang maipahayag ang pangangailangang maisagawa ang isang bagong proyekto.
Halaga ng Pag-aaral
Ang maliwanag na pahayag kaugnay sa tuon ng pag-aaral, ang kondisyon na kailangang isaayos o tugunan, ang sagabal na kailangang alisin, o ang katanungan na kailangang maunawaan at masusing maimbestigahan.” (Alan Bryman, 2007)
Suliranin ng Pag-aaral
Sa pamamagitan ng tinatawag na rebyu, mapag-aalaman ng mananaliksik ang estado ng kaalaman sa napili niyang paksa. Sa pamamagitan nito, matutukoy ng mananaliksik ang naiibang paraan ng kaniyang pag-aaral.
Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral
Isa sa pinakamahalagang elemento ng panukalang proyekto. Sa bahaging ito lilinawin ng mananaliksik ang mga teoryang gagamitin sa pagsusuri.
Metodolohiya
Ang talaan ay hinahati sa dalawa. Sa unang kolum, nakalista ang mga dapat isagawa at sa katabi nitong kolum, ang panahon o petsang ilalaan sa bawat hakbang. Kailangang detalyado ang pagkakasulat nito. Ito ang magsisilbing patnubay ng mag-aaral o mananaliksik sa kaniyang gawain.
Talaan ng Gawain
Mahalagang maitala ng mananaliksik ang kompletong impormasyon sa lahat ng sinangguniang dokumento kaugnay sa inihahandang panukalang proyekto. Marapat na ilista sa sanggunian ang mga nakalathala at di-nakalathalang dokumento gaya ng balita, artikulo sa magasin, mga tesis, mga term paper, mga aklat, at mga artikulo sa website.
Tentatibong Sanggunian o Bibliyograpiya