lesson 2 abstrak Flashcards
ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, teknikal lektyur, at mga report.
Abstrak
Ayon kay__________bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Philip Koopman (1997)
ano-ano ang mga nilalaman sa Abstrak
layunin
saklaw at delimitasyon
metodolohiya ng pag-aaral
estadistikang ginamit
resulta at konklusyon
mga susing salita
nakalahad ang paksa ng pananaliksik o pag-aaral.
Layunin
Pagtatakda at pagbibigay- tuon pokus) sa paksang nais simulan. Naisagawa ito sa pamamagitan ng paglilimita o pagpapalawak ng isang paksain.
Saklaw at Delimitasyon
nailalarawan nito ang disenyo na ginagamit sa pag-aaral. Maaaring eksperimental, desriptib, kwantitatibo ang mga metodolohiya
Metodolohiya ng Pag-aaral
nailalahad ang ginamit na istatistic sa
pag-aaral.
Estadistikang Ginamit
Ang pagbuo ng konklusyon ay isang paraan ng pangangatwirang ibinatay sa resulta ng pagmamasid ng mga tiyak na pangyayari o kaisipan. Ang katumpakan ng konklusyon ay depende sa kaangkupan ng mga ebidensiyang sumusuporta nito. Ang resulta naman ay ang maaaring kakalabasan ng Pag-aaral na iyong ginawa.
Resulta at Konklusyon-
Ito ay mga piling salita,kalimitan ay lima (5) na sumasalamin sa nilalaman ng isang pananaliksik o pag-aaral.
Mga Susing Salita