Lesson 3: Migrasyon Flashcards
1
Q
Ito ang proseso ng pansamantala o pangmatagalang pag-alis o paglipat ng tao.
A
Migrasyon
2
Q
Ito ay ang pag-alis o paglipat patungo sa ibang lalawigan, bayan, o rehiyon.
A
Migrasyong Panloob
3
Q
Ito ay ang pag-alis o paglipat patungo sa ibang bansa.
A
Migrasyong Panlabas
4
Q
Ito ang dami o bilang ng mga pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon.
A
Flow
5
Q
Ito ang bilang ng dayuhang naninirahan sa bansang nilipatan.
A
Stockfigure
6
Q
Ang resulta kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa pumasok.
A
Net Migration
7
Q
Ito ang daloy ng paglipat.
A
Mobility
8
Q
Ano ang mga sanhi ng migrasyon?
A
- Paghahanap-buhay (Ekonomikal)
- Ligtas na tirahan (Politikal)
- Paghihikayat ng pamilya (Sosyal)
- Klima at Panahon (Heograpikal)
9
Q
Ito ang negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon.
A
Push-Factor
10
Q
Ito ang positibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon.
A
Pull-Factor