Lesson 1: Globalisasyon Flashcards
Ayon kay ______, ang globalisasyon ay ang proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto.
Ritzer, 2011
Ayon kay Thomas Friedman, ang globalisasyon ay ____, ____, ____, at ____.
malawak, mabilis, mura, at malalim
Ito ay ang proseso ng malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang kapital o pamumuhunan.
Liberalisasyon
Ito ay ang pandaigdigang institusyon na nangunguna sa pag-unlad o pag-usbong.
World Trade Organization
Ito ay ang pagsasama ng mga bansang nagkakaisa.
Integrasyon
Ang pananaw na nagsasaad na ang globalisasyon ay taal o nakaugat na sa bawat isa?
Unang Pananaw
Ayon kay ____, ang globalisasyon ay manipestasyon ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay.
Nayan Chanda, 2007
Ang pananaw na nagsasaad na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago?
Ikalawang Pananaw
Ayon kay ____, maraming globalisasyon na ang nakalipas at patuloy lang ito ngayon.
Scholte, 2005
Ang pananaw na nagsasaad na ang globalisasyon ay may anim na wave o epoch?
Ikatlong Pananaw
Binigyaang-diin ni ____ na ang globalisasyon ay may anim na wave o epoch.
Therborn, 2005
Ano ang anim na wave o epoch sa ikatlong pananaw?
- Ika-4 hanggang ika-5 siglo
- Huling bahagi ng ika-15 siglo
- Huling bahagi ng ika-18 siglo
- Gitnang bahagi ng Ika-19 siglo hanggang 1918
- Post-World War II
- Post-Cold War
Ang pananaw na nagsasaad na ang globalisasyon ay galing sa partikular na pangyayari sa kasaysayan?
Ikaapat na Pananaw
Ang pananaw na nagsasaad na ang globalisasyon ay nasimula sa kalagitnaan ng ika-20 na siglo?
Ikalimang Pananaw
Ano ang tatlong pangyayari na may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon?
- Pag-usbong ng kapangyarihan ng Estados Unidos pagkatapos ng World War II
- Paglipana ng mga multinational corporations at transnational corporations
- Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War