Lesson 3: Akademikong Pagsulat Flashcards
Tumutukoy ito sa edukasyon, iskolarship, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
Akademiko
Ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at common sense.
Di-Akademiko
Pananaw kung saan hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa bagay at katotohanan, ito ay nasa pangatlong panauhan
Akademiko
Ang audience ay iba’t ibang publiko.
Di-Akademiko
Pananaw ayon sa sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy, ay nasa una at pangalawang panauhan.
Di-Akademiko
Layuning magbigay ng ideya at impormasyon.
Akademiko
Iskolar, mag-aaral, guro ang audience.
Akademiko
Sariling karanasan, pamilya, at komunidad ang paraan o batayan ng datos.
Di-Akademiko
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa.
Paraan o Batayan ng Datos ng Akademiko
Layunin ay magbigay ng sariling opinyon.
Di-Akademiko
Planado at magkakaugnay ang mga ideya, may pagkakasunod and estruktura ng mga pahayag.
Organisasyon ng Ideya ng Akademiko
Hindi malinaw ang istruktura, hindi kailangang magkakaugnay ang organisasyon ng ideya.
Di-Akademiko
5 na halimbawa ng akademikong gawain.
•Pagbasa sa teksto
•Pakikinig sa Lektyur
•Simposyum
•Panonood sa Video
•Pagsasalita/Pakikidiskurso
5 halimbawa ng Di-Akademikong gawain.
•Panonood ng Pelikula
•Pagbabasa ng komiks
•Pakikipag-usap sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko
•Pagsulat sa Kaibigan
•Pagbabasa ng magazin
Isang katangian ng Akademikong pagsulat kung saan iniiwasan ang pahayag na batay sa sa sariling opinyon o pananaw.
Obhetibo