Lesson 2: Gamit at Uri ng Pagsulat Flashcards
Ano ang Obhetibo?
Paglalarawan nang may pinagbabatayang katotohanan.
Ano ang Subhetibo?
Paglalarawan na nakabatay sa pansariling imahinasyon, karanasan, o opinyon.
Ito ay nagsisilbing behikulo na nagpapabatid ng nais ipabatid ng taong sumulat.
Wika
Dito umiikot ang buong sulatin.
Paksa
Gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Layunin
Paraan ng pagsulat kung saan ang layunin nito ay magbahagi ng bagong impormasyon.
Paraang Impormatibo
Layunin nitong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, at iba pa hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa sariling karanasan.
Paraang Ekspresibo
Ito ay isang paraan ng pagsulat kung saan ito ay naglalarawan at maaaring maging Obhetibo o Subhetibo.
Paraang Deskriptibo
Paraan ng pagsulat na nanghihikayat o nangungumbinsi ng mambabasa.
Paraang Argumentatibo
Layunin nitong magkwento o magbahagi ng isang pangyayari.
Paraang Naratibo
Isang kakayahan o kasanayang maglatag ng impormasyon at kaisipan simula hanggang wakas.
Kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin
Naiisasaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit.
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat.
Kakayahan ng isang manunulat ang pag-aanalisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kasanayang pampagkaisip
Isang uri ng pagsulat kung saan bumubuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema sa isang tiyak na larangan.
Teknikal na Pagsulat
Nagbibigay pagkilala sa pinagkuhanang impormasyon o kaalaman sa paggawa ng tesis at iba pa.
Reperensyal na Pagsulat