Lesson 2: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos Flashcards
Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao.
Makataong Kilos
Ayon sa kanya, “Moral na kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipin.”
Sto. Tomas de Aquino
Ang tungkulin nito ay humusga at mag-utos.
Isip
Ito ay tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip.
Kilos-loob
Ang pinakahuling layunin nito ay makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
Kilos-loob
Ito ay nagmumula sa isip at kilos-loob.
Panloob na Kilos
Ito ay pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos.
Panlabas na Kilos
Ano ang mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos?
- Layunin
- Paraan
- Sirkumstansya
- Kahihinatnan
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Layunin
Ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos; ito ang pinatutunguhan ng kilos.
Layunin
Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.
Paraan
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na _____ ang kilos.
obheto
Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos.
Sirkumstansiya
Ano ang mga uri ng sirkumstansiya?
- Sino
- Ano
- Saan
- Paano
- Kailan
Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.
Sino