Lesson 1: Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos Flashcards
Ang _____ ay maaaring maging ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito.
makataong kilos
Ang _____ ng makataong kilos ay maaaring mabawasan dahil sa impluwensya ng mga salik nito.
pananagutan
Ano ang limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos?
- Kamangmangan
- Masidhing damdamin
- Takot
- Karahasan
- Gawi
Ito ang kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
Kamangmangan
Ano ang dalawang uri ng kamangmangan?
- Kamangmangang Madaraig (Vincible)
- Kamangmangang Di-madaraig (Invincible)
Ito ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman at paraan upang malagpasan at matuklasan ito.
Kamangmangang Madaraig (Vincible)
Ito ang kawalan ng kaalaman na walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba.
Kamangmangang Di-madaraig (Invincible)
Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay _____ na makataong kilos at _____ sa bahagi ng gumawa.
hindi itinuturing, walang pananagutan
Ito ang dikta ng bodily appetites; ang pagkiling sa isang bagay, kilos, o damdamin.
Masidhing Damdamin
Ano ang dalawang uri ng masidhing damdamin?
- Antecedent (Nauuna)
- Consequent (Nahuhuli)
Ang kilos na ito ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao o act of man.
Nauuna (Antecedent)
Ito ay sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa.
Nahuhuli (Consequent)
Ang masidhing damdamin o passion ay _____ subalit ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kanyang _____ at _____.
normal, emosyon, damdamin
Ang paghubog ng mga _____ at _____ sa mga limitasyon sa buhay ay isang daan upang mapangasiwaan ang damdamin.
positibong damdamin, maayos na pagtanggap
Isang masidhing silakbo ng
damdamin na maaaring magdulot ng
pagkilos na labag sa kalooban ng
isang tao.
Takot