Lesson 2: Ilang Dedikasyon Flashcards
Ano ang pamagat ng mga tulang binanggit sa aralin?
“Kay Selya” at “Sa Babasa Nito”
Ano ang kahulugan ng “Tatas ng Salita”?
Kasiningan o linaw sa pananalita
Ano ang kahulugan ng “Pagsaulan”?
Balikan o alalahanin
Ano ang kahulugan ng “Karalitaan”?
Kahirapan
Ano ang kahulugan ng “Hilahil”?
Pasakit o pagdurusa
Ano ang kahulugan ng “Dilidili”?
Pag-iisip o pagbubulay-bulay
Ano ang kahulugan ng “Namamanglaw”?
Nalulungkot
Ano ang sinabi ng may-akda sa pasasalamat sa mambabasa?
“Salamat sa iyo, o nanasang irog,
Kung halagahan mo itong aking pagod;
Ang tula ma’y bukal ng bait na kapos
Pakikinabangan ng ibig tumarok.”
Ano ang paliwanag ng may-akda kung bakit maaaring magmukhang hindi maganda ang kanyang tula sa unang tingin?
“Kung sa biglang tingin’y bubot at masaklap,
Palibhasa’y hilaw at mura ang balat;
Ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap
Masasarapan din ang nanasang pantas.”
Ano ang sinabi ng may-akda tungkol sa pagtanggap ng kanyang tula?
“Di ko hihilinging pakamahalin mo,
Tawana’t dustain ang abang tula ko;
Gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo,
Ay huwag mo lamang baguhin ang berso.”
Ano ang paalala ng may-akda bago husgahan ang kanyang tula?
“Kung sa pagbasa mo’y may tulang Malabo
Bago mo hatulang katkatin at liko,
Pasuriin muna luwasa’t hulo
At makikilalang malinaw at wasto.”
Ano ang dapat gawin kung may malalim na wika sa tula?
“Ang mga tandang letra alinmang talata,
Di mo mawatasa’t malalim na wika;
Ang mata’y itingin sa dakong ibaba
Buong kahuluga’y mapag-unawa.”
Ano ang babala ng may-akda tungkol sa patuloy na pagbabago ng tula?
“Hanggang dito ako, o nanasang pantas,
Sa kay Segismundo’y huwag ding matulad
Sa gayong katamis, wikang masasarap
Ay sa kababago ng tula’y umalat.”