Lesson 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura Flashcards
Ito ay isang tanyag na akdang pampanitikan na isinulat ni Francisco Balagtas noong panahon ng mga Espanyol (1838).
Florante at Laura
Ito ay isang obrang naging matapang at malikhain sa paglalahad ng kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol.
Florante at Laura
Ito ang buong pamagat ng akda: “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog.”
Florante at Laura
Ito ang genre ng Florante at Laura.
Awit o Romansang Metrical
Ilang pantig at saknong ang mayroon sa Florante at Laura?
12 pantig, 399 saknong
Siya ang may-akda ng Florante at Laura.
Francisco “Balagtas” Baltazar
Siya ay kilala bilang Prinsipe ng Makatang Tagalog.
Francisco “Balagtas” Baltazar
Kanino inialay ni Francisco Balagtas ang kanyang awit?
Maria Asuncion Rivera o Selya
Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa mga paksang ito.
Relihiyon, paglalaban ng Moro at Kristiyano (komedya o moro-moro), diksyonaryo, at aklat panggramatika
Ano ang ipinakita sa Florante at Laura tungkol sa kaharian ng Albanya?
Ang kalagayan nito ay sumasalamin sa mga naganap na kaliluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
Ano ang apat na himagsik na tinutukoy ni Lope K. Santos na nahari sa puso at isipan ni Balagtas?
- Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
- Himagsik sa hidwaang pananampalataya
- Himagsik laban sa maling kaugalian
- Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
Ano ang ipinakita sa akda tungkol sa kababaihan?
Ang taglay na lakas ng kababaihan at ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.
Isa sa mga pangunahing layunin ni Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura ay ipahayag ang mga ito.
Pagmamahal sa kalayaan, pagpapahalaga sa tunay na pag-ibig, at paglaban sa kasamaan
Ano ang masining na pagpapakita ng karakter nina Florante at Laura sa akda?
Isang pagninilay-nilay sa kalikasan ng kabutihan at kasamaan sa buhay ng tao.
Ano ang ipinapakita sa likod ng makathang estilo ng akda?
Mga temang politikal at panlipunan, tulad ng poot at pagkatalo ng mga makatarungang tao laban sa mga hindi makatarungang opisyal.
Ano ang kahalagahan ng Florante at Laura sa panitikan ng Pilipinas?
Nagpayaman ito sa panitikan at nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa kabutihan laban sa kasamaan, tapat na pag-ibig, at paninindigan sa prinsipyo.