Leksyon 3 Flashcards
Ang taong maalam gumamit ng dalawang wika sa komunikasyon
na dumedepende sa sitwasyon ng paggamit.
Bilingguwal
Ang taong maalam gumamit ng tatlo o higit pang wika.
Multilinggywal
Ang
kasanayan ng isang multilingguwal sa paggamit ng tatlong wika
ay hindi pantay. Maaaring isang wika lamang ang kanyang
nagagamit sa pagsasalita at nauunawaan, mahusay na
nakasusulat sa isang wika lamang at nagagamit ang mga wikang
alam sa iba’t ibang domeyn o sitwasyon.
Ang wikang unang natutunan ng isang indibidwal. Natutunan ito sa
loob ng tahanan.
Unang Wika
Ito ang wikang natutunan ng isang indibidwal matapos matutunan
ang kanyang unang wika. Karaniwan itong natutunan sa labas ng
tahanan na maaaring sa komunidad na kinabibilangan o sa loob
ng eskwelahan. Sa eskwelahan, ang mga wikang ito ay Filipino at
Ingles.
Pangalawang Wika