Barayti ng Wika Flashcards
Tinutukoy nito ang iba’t ibang uri ng wika na ginagamit ng iba’t ibang
bansa o sa loob mismo ng isang bansa at maging sa lipunang
kinabibilangan ng isang indibidwal.
Barayti
Ang baryasyon ay ang pagkakaiba-iba sa pagbigkas, grammar, o
pagpili ng salita sa loob ng wika
Baryasyon
Mga Barayti ng Wika
- Dayalek
- Sosyolek
- Idyolek
- Register
- Estilo
ay wikang subordineyt ng isang katulad ding wika.
Pekulyar ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
rehiyunal
Ang baryasyon ng wikang ito maaaring nasa tunog- punto o paraan ng
pagbigkas, maaaring nasa leksikon o bokabularyo o maaaring sa
pagkakabuo ng mga salita/grammar o maaaring sa lahat.
Dayalek
Ang tawag sa wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa
isang lipunan.
Sosyolek
Pansariling istilo ng pagpapahayag ng isang indibidwal. Ito ay
masasabing yunik sa kanila o sumisimbolo at tatak ng kanilang
pagkatao.
Idyolek
Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong
gumagamit nito na maaaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi
kasali sa grupo o hindi pamilyar sa propesyon, uri ng trabaho o
organisasyong kinabibilangan ng nagsasalita o grupong nag-uusap.
Register